De Lima at Roxas, dapat sisihin sa IRR ng GCTA Law

Isinisi ng Malacañang kina Senadora Leila De Lima at dating DILG Secretary Mar Roxas ang nakakalitong Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Good Conduct Time Allowance (GCTA) Law.

Nabatid na sina De Lima at Roxas ang bumuo ng IRR ng batas.

Habang sinisisi ng publiko ang Administrasyong Duterte sa pagpapalaya sa halos 2,000 heinous crime convicts, pinayuhan ni Presidential Spokesman Salvador Panelo si De Lima na manalamin at tanungin ang sarili kung sino ang dapat sisihin.


Sa Section 3 ng batas, nakasaad na kwalipikado sa Good Conduct Credit ang lahat ng bilanggo pero sinasabi sa Section 1 na hindi pwedeng makinabang dito ang mga nahatulan dahil sa heinous crimes.

Samantala aminado naman si Minority Leader Senator Franklin Drilon na kasama siya sa mga bumoto para maging ganap na batas ang GCTA.

Aniya, hindi niya inaasahan na magkakaroon ng masamang epekto ang batas.

Gayunman, tiniyak ng Senador na hindi matatapos ang ginagawang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa maanomalyang pagpapatupad ng GCTA Law hangga’t hindi nananagot ang mga may sala.

Facebook Comments