De Lima case judge, pina-i-inhibit!

Naghain ng motion to inhibit laban kay Muntinlupa RTC Br. 256 Judge Romeo Buenaventura ang ilan sa mga kapwa-akusado ni dating Senadora Leila de Lima sa drug case.

Ayon kay Joenel Sanchez, itinago kasi ni Judge Buenaventura ang katotohanan na kapatid pala nito ang abogado na tumulong sa isa pang akusado na si Ronnie Dayan sa paggawa ng affidavit nito.

 

Ibinunyag din ni Sanchez na ang kapatid ng nasabing hukom ay nagtrabaho bilang legal adviser ni dating Cong. Reynaldo Umali na dating chairman ng House Committee on Justice sa kasagsagan noon ng congressional hearings sa kontrobersiya ni De Lima noong October, 2016.


Si Sanchez ay kabilang noon sa pinadalhan ng subpoena para magtestigo laban kay De Lima.

Aniya, dahil dito ay lumalabas na hindi patas sa paghawak sa kaso si Judge Buenaventura.

Naghain din ng motion for inhibition laban kay Judge Buenaventura ang isa pang co-accused ni De Lima na si Ronnie Dayan dahil sa kaparehong dahilan.

Ayon kay Dayan, ang kapatid din ng hukom ang tumulong sa kanya sa paggawa ng affidavit na kalaunan ay kanya ring binawi.

Naghain din ng kaparehong mosyon ang isa pang akusado na si dating Bureau of Corrections Chief Franklin Jesus Bucayu dahil sa pagiging “one-sided” umano dito lalo na sa pagbasura sa kanyang mga kahilingan na makapagpiyansa at dahil sa kabiguan nitong sabihin ang katotohanan na kapatid niya ang abogadong tumulong sa paggawa ng affidavit ng mga akusado.

Facebook Comments