De Lima, hindi pwedeng tumakbo sa eleksyon kung pinal ang kanyang conviction – Roque

Hiniling na lamang ng Malacañang na hindi ma-convict si Senator Leila de Lima mula sa mga kinakaharap niyang kaso laban sa ilegal na droga bago ang halalan.

Matatandaang inanunsyo ni De Lima na tatakbo muli siya sa pagkasenador at itutuloy niya ang kanyang laban para sa human rights at social justice.

Sa kanyang sulat kay Pangulong Duterte, sinabi ni De Lima na naging biktima siya ng political persecution.


Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na madidiskaril lamang ang planong reelection ng senadora kapag pinal na ang kanyang conviction.

Itinanggi rin ni Roque na walang political persecution.

Gayumpaman, karapatan aniya ni De Lima na tumakbo muli sa national post.

Si De Lima ay nahaharap sa dalawang kasong conspiracy to commit illegal drug trading sa Branch 205 ng Muntinlupa Regional Trial Court.

Una nang nabasura ang isa sa mga kaso.

Facebook Comments