De Lima, iginiit ginagamit lang siya ni Pangulong Duterte para pagtakpan kanyang mga kapalpakan

29

Manila, Philippines – Muling umangal si Senator Leila De Lima sa aniyay patuloy na paninira sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte.

 

Giit ni De Lima, ginagamit lang siya ni President Duterte para pagtakpan ang katraydoran nito sa ating bansa at ang iba pang kapalpakan ng kanyang administrasyon.

 

Tinukoy ni De Lima na pagtatraydor na ginagawa ni Pangulong Duterte ay ang umanoy pagbebenta ngayon nito sa ating mga teritoryo at pag-aari sa karagatan na pinaglaban ng ating mga ninuno, at kinilala ng Arbitral Tribunal at the Hague.

 

Binigyang diin ni De Lima na anuman ang ibato sa kanya ni Pangulong Duterte na pawang mga kasinungalingan, ay hindi magiging katumbas ng umanoy pagtraydor at pagbenta nito sa ating bansa sa Tsina.



Facebook Comments