
Nakakagalit na at hindi na lang katawa-tawa para kay Mamamayang Liberal Party-list Representative Leila De Lima ang ginagawa laban sa kanya ng Department of Justice o DOJ prosecutors ngayon.
Reaksyon ito ni De Lima matapos maghain ng motion for reconsideration ang DOJ prosecutors sa Muntinlupa Regional Trial Court (RTC) Branch 204 kung saan iginigiit nilang baligtarin ng korte ang pasya nito na nagpapawalang sala sa kanya sa kasong may kinalaman sa ilegal na droga.
Ayon kay De Lima, hindi nya maunawaan ang ipinipilit na mangyari ng mga taga-usig ng DOJ.
Kwestyunable para kay De Lima na tila nais syang muling maparusahan sa ikatlong pagkakataon matapos nyang pagdusahan ang pitong taon na hindi makatarungan at walang batayang pagkakulong.
Facebook Comments









