De Lima, itinalagang tagapagsalita ng LP

Itinalaga ng Liberal Party o LP si dating Senator Leila de Lima bilang opisyal na tagapagsalita.

Inihayag ito ni Albay 1st District Rep. Edcel Lagman na siya ring pangulo ng Liberal Party.

Ayon kay Lagman, isinagawa ang pagpili kay De Lima bilang LP spokesperson sa kanilang management committee o mancom meeting kahapon, December 4.


Binanggit ni Lagman na si De Lima ay dati na ring nagsilbi bilang Vice President for Policy, Platform and Advocacy ng LP.

Si De Lima ay matagal ng miyembro ng LP at ayon kay Lagman, nais nito na maituloy ang kanyang aktibong papel sa pagsusulong ng mga adbokasiya ng partido sa larangan ng good governance, social justice and liberalism.

Binanggit naman ni Lagman na sa ngayon ay wala pang inilalahad na plano sa politika si De Lima at nakabinbin pa rin ang pagkonsulta nito sa kanyang pamilya at mga kaalyado.

Facebook Comments