DE VENECIA EXTENSION SA DAGUPAN CITY, ISASARA TUWING UNANG LINGGO NG BUWAN PARA BIGYANG-DAAN ANG BIKE AT RUN DAY

Dagupan City, Pangasinan – Inaprubahan na ng Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ang pagsasara ng De Venecia Extension tuwing unang linggo ng buwan upang bigyang-daan ang bike at run day sa lungsod.

Ang De Venecia Extension ang isa sa mga dinarayo ng mga gustong mag-exercise sa pamamagitan ng pagtakbo at pagbibisikleta na siyang nauusong gawain nang magsimula ang pandemya dulot ng COVID-19.

Magsisimula ang pagsasara nito sa darating na ika-2 ng Mayo mula 5:00 hanggang 9:00 ng umaga. Eksklusibo lamang para sa mga bikers at runners ang nasabing oras sa naturang daan.


Matatandaan na naglagay ng bicycle lane ang otoridad sa De Venecia Road Extension upang masiguro ang kaligtasan ng mga nagbibisikleta.

Facebook Comments