Nabawi ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang 8.5 hectare wetland sa Barangay Manoc-Manoc sa isla ng Boracay.
Ang wetland ay mas kilala bilang “Dead Forest.”
Ayon kay Boracay Inter-Agency Rehabilitation Management Group (BIARMG) General Manager Natividad Bernardino, ang 32 pamilyang kabilang sa Tumandok tribe na ilegal na nakatira sa wetland ay inilipat sa isang permanent relocation site na iginawad sa kanila ng pamahalaan.
Inaasahan aniyang masisimulan ang restoration sa wetland sa lalong madaling panahon.
Sa ilalim ng Executive Order 53 na nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Inaatasan ang DENR na i-relocate o i-demolish ang mga istrakturang nakakasagabal sa forestlands, wetlands, at iba pang water bodies ng Boracay.