Cebu – Patay ang isang 42-anyos na lalaki matapos tamaaan ng kidlat sa Barangay Canbanua, Argao, Cebu.
Nakilala ang nasawi na si Larry Bajenting.
Sa ulat, kasalukuyang brownout sa lugar ng biktima dahil sa patuloy na buhos ng ulan.
Nagulat na lamang ang lahat ng tamaan ng kidlat ang isang telebisyon kung saan katabi ang biktima.
Nagawa pang maisugod sa Isidro Kintanar Memorial Hospital ang biktima pero idineklara din itong dead on arrival ng mga doktor.
Facebook Comments