DEAD ON ARRIVAL | Brgy captain, patay matapos pagbabarilin sa harap ng outpost ng barangal hall sa Pasay

Pasay City – Patay ang isang barangay captain matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nakaupo ito sa harap ng outpost ng barangal hall sa Pasay City.

Sa ulat, dead on arrival sa Pasay City General Hospital (PCGH) ang biktima na nakilalang si Jovie Decena, 47, chairman ng barangay 28.

Nangyari ang insidente sa tapat ng barangay hall na matatagpuan sa Villaruel Street, Barangay 28 Zone-4.


Nabatid na lumapit ang mga suspek sa biktima saka ito tinadtad ng bala kung saan mabilis silang tumakas nang masigurong patay na ang kapitan.

Hinala ng pulisya na ang motibo sa krimen ay ang patuloy na paglaban ng kapitan ng barangay sa iligal na droga.

Facebook Comments