Cavite City – Patay ang isang 23-anyos na construction worker matapos na bugbugin at saksakin sa loob ng videoke bar sa Barangay Molino III, Cavite City.
Dead on arrival sa ospital ang biktima na nakilalang si Jessie Munoz dahil sa matinding bugbog sa katawan at isang tama ng saksak sa katawan mula sa payong.
Sa ulat, naka-alitan ng kapatid ng biktima ang limang kustomer sa bar dahil sa agawan ng microphone sa videoke.
Inabangan ng grupo ang kapatid ni Muñoz sa labas pero nakatakbo ito kaya at siya na lamang ang pinagtulungan bugbugin at saksakin.
Naaresto naman ng pulisya ang dalawang suspek, habang kusa naman sumuko ang isa pa kung saan pinaghahanap na ang iba pang kasama ng mga ito.
Facebook Comments