Pangasinan – Patay sa pamamaril ang dating Marlboro Tour Champion at
retiradong pulis na si Pepito Calip sa kanyang bahay sa Binalonan,
Pangasinan.
Alas 6:35 ng umaga noong Lunes, nakikipag-kwentuhan lang umano ang biktima
sa kanyang kapitbahay nang bigla siyang barilin ng dalawang suspek.
Naisugod pa sa ospital si Pepito Calip pero idineklara ring dead on arrival
dahil sa tinamong tama ng bala sa tiyan.
Inaalam pa ang motibo ng krimen at ang pagkakakilanlan ng mga nakatakas na
suspek.
Facebook Comments