DEAD ON ARRIVAL | Isang lolo, patay matapos maatrasan ng kotse sa Lucena City

Lucena City – Dead on arrival sa ospital ang isang lolo matapos aksidenteng Mabangga sa Barangay Cotta sa Lucena City.

Kinilala ang nasawing lolo na si Francisco Abarquez, 77-anyos.

Sa imbestigasyon, nagma-maneobra ng kotse si Leonila Bolos ngunit imbes na preno ay natapakan nito ang accelerator ng sasakyan dahilan upang mabangga si Abarquez.


Nagtamo ng mga injury sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad isinugod sa Mt. Carmel Hospital pero hindi na ito umabot pa ng buhay.

Dahil dito, posibleng maharap si Bolos sa kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Facebook Comments