DEAD ON ARRIVAL | Isang preso, namatay sa loob ng detention cell ng Noveleta Police Station sa Cavite

Noveleta, Cavite – Inaalam pa ngayon ng mga otoridad kung ano ang naging dahilan ng pagkamatay ng isang preso sa loob ng detention cell ng Noveleta Police Station sa Noveleta, Cavite.

Ayon kay Region 4A Director Police Chief Superintendent Guillermo Eleazar, nagpapahinga sa kanyang selda ang biktimang si Gilbert Guhit nang makita ito ng mga kapwa preso na nahihirapang huminga.

Matapos nito, biglang nawalan ng malay ang biktima kaya at agad na tinawag ang naka-duty na jail guard.


Mabilis naman na isinugod sa Kawit Kalayaan Hospital ang biktima ngunit idineklara ring dead on arrival.

Facebook Comments