DEAD ON ARRIVAL | Lalaki, sawi matapos na barilin sa ulo sa Tondo

Manila, Philippines – Dead on arrival sa Tondo Medical Center ang isang 36-anyos na lalaki matapos barilin sa ulo sa Vitas, Tondo.

Nakilalala ang biktimang si Christopher Lato habang blanko pa ang pulisya sa pagkakakilanlan sa tumakas na suspek.

Sa ulat, naganap ang krimen sa isang pasilyo sa likod ng building sa Aroma Compound sa Tondo kung saan nakikipag-inuman sa kanyang mga kaibigan ang biktima nang magpaalam ito na bibili ng pulutan.


Habang naglalakad sa pasilyo ng gusali, dito na binaril sa ulo ang biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya at inaalam na kung may kinalaman sa droga ang insidente.

Facebook Comments