Agusan del Norte – Dead on arrival sa ospital ang isang lineman ng Agusan del Norte Electric Cooperative, Inc. (ANECO) matapos makuryente.
Nakilala ang biktima na si Hilario Aguirre, residente ng Barangay San Vicente, Butuan City.
Sa ulat, sumabit ang tuhod ng biktima sa secondary line ng poste at bumitin dahil sa nakasuot na safety belt kung saan nangyari ito sa gitna na pagkukumpuni ng linya habang umuulan.
Nangako naman ang kumpanya na makakaabot sa pamilya ni Aguirre ang tulong na kakailangan nito matapos ang insidente.
Facebook Comments