DEAD ON ARRIVAL | Menor de edad, patay sa pamamaril sa Caloocan City

North Caloocan – Dead on arrival sa ospital ang isang menor de edad matapos
itong pagbabarilin sa Barangay 176, Bagong Silang, North Caloocan.

Kinilala ang biktima na si John Paul Dagohoy, 17-anyos na residente sa
lugar.

Sa imbestigasyon, nasa labas ng bahay ng kanyang tiyahin ang biktima nang
lapitan ng riding-in-tandem at limang beses na pinaputukan.


Isinugod pa ng kanyang ina ang biktima sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial
Hospital ngunit idineklara rin itong dead on arrival.

Patuloy na inaalam ng mga otoridad ang motibo sa pagpatay maging ang
pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments