DEAD ON ARRIVAL | Preso sa Antipolo City Jail, patay sa bugbog

Antipolo City – Patay ang isang preso matapos pagtulung tulungang bugbugin ng mga kapwa preso sa Antipolo City Jail.

Dead on arrival sa pagamutan ang biktimang si Margine Sanchez.

Ayon sa Antipolo PNP, unang humingi ng tulong sa isang kapwa preso ang biktima dahil nahihirapan ito sa paghinga dahilan para agad na isugod ng mga pulis sa Rizal Provincial Annex.


Gayunpaman, hindi na ito umabot ng buhay sa pagamutan.

Nang suriin ang katawan, napagalaman na pinagbubugbog pala ang biktima ng mga kapwa presong sina Jimmy Apable, Rodelio Alcuriza at Daniel Sallan dahilan para magtamo ng mga pinsala sa katawan na na resulta sa hirap sa paghinga.

Sa ngayon patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng mga otoridad sa nasabing insidente.

Facebook Comments