Manila, Philippines – Patay ang isang team leader ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) matapos barilin habang nasa gitna ng illegal parking operation.
Sa ulat, ipinapahatak ng biktimang si Ruben Pangindian ang isang trailer nang barilin siya sa batok kung saan mabilis na tumakas ang suspek.
Naisugod pa si Pangindian sa ospital pero idineklara itong dead on arrival.
Naganap ang krimen sa boundary ng informal settler area ng parola at ng Manila International Container Port at walang residenteng gustong magsalita sa krimen.
Hinala ng MPTB na may kinalaman ang pamamaril sa ginawa nilang operasyon kung saan hinuhuli nila ang mga nangongotong sa mga kolorum na tricycle sa nasabing lugar.
Facebook Comments