DEAD ON THE SPOT | Babae, patay matapos tambangan sa Rodriguez, Rizal

Rizal – Patay ang isang babae matapos tambangan ng riding-in-tandem sa Rodriguez, Rizal.

Kinilala ang biktima na si Marilou Villarin.

11:55 kagabi nang bigla na lang pagbabarilin ng dalawang suspek si Villarin sa harap ng Rein Zairin Resto Bar sa Barangay Manggahan.


Agad namang tumakas ang mga suspek.

Tinutugis pa ng pulisya ang mga salarin habang inaalam na rin ang motibo sa pamamaril.

Facebook Comments