DEAD ON THE SPOT | Babae, patay sa pamamaril sa Pasay City

Pasay City – Dead on the spot ang isang 42 anyos na babae matapos barilin ng dalawang beses sa ulo ng hindi nakilalang suspek sa Pasay City.

Sa ulat, nakaupo lang sa motorsiklo at nagte-text ang biktimang si Carol Briones sa may Arnaiz Kanto ng Orion Street sa Barangay 67 nang lapitan ng isang lalaki saka pinagbabaril.

Sinabi pa ng ilang saksi, naglakad lang ang suspek na parang walang nangyari kung saan hindi naman na ito tinangkang habulin ng ilang tambay dahil sa takot na madamay.


Hindi pa alam ang motibo sa krimen pero tinitingnan na rin ng Pasay PNP kung may CCTV sa lugar para makatulong sa pag hahanap sa suspek.

Facebook Comments