DEAD ON THE SPOT | Dalawang binata, patay sa pamamaril sa Cotabato

Cotabato City – Patay ang dalawang binata matapos pagbabarilin sa harap ng isang ktv bar sa Cotabato.

Nakilala ang mga nasawi na sina Kipua Mukalam at Randy Kadil Samama.

Sa ulat, nakatayo lamang ang mga biktima sa harap ng Fairy Queen KTV Bar sa Mapanao Street, Brgy. Poblacion, Kabacan nang biglang lapitan ng dalawang hindi kilalang suspek saka pinagbabaril.


Mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng isang motorsiklo habang dead on the spot ang mga biktima dahil sa tama ng bala sa kanilang ulo at mukha.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa pagpatay sa mga biktima kaya at patuloy ang ginagawa nilang imbestigasyon.

Facebook Comments