DEAD ON THE SPOT | Dalawang holdaper, patay sa engkwentro sa QC

Manila, Philippines – Patay ang dalawang holdaper matapos makipagbarilan sa mga pulis sa Roces Avenue, Barangay Paligsahan, Quezon City.

Sa ulat, agad na nagsagawa ng checkpoint ang mga pulis matapos makatanggap ng report na mayroong nangyaring nakawan sa isang restaurant sa Scout Gandia kanto Scout Tobias Street.

Umiwas ang mga suspek sa checkpoint at nagpaputok sa mga pulis kaya at nauwi ito sa engkwentro.


Dead on the spot ang mga suspek na patuloy na inaalam ng mga pulis ang kanilang pagkakakilanlan.

Facebook Comments