DEAD ON THE SPOT | Delivery man na hit and run, patay

Manila, Philippines – Dead on the spot ang isang delivery man matapos mabiktima ng hit and run sa Delpan Street, Binondo Manila.

Nakilala ang biktima na si Manuel Puno, isang 48-anyos, makaraang mabundol ng rumaragasang kulay pulang kotse kung saan tumama ang ulo ng nito sa gutter na siyang ikinamatay nito.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nakasakay ng bisekleta si Puno kung saan magde-deliver sana ng karne ng manok na dadalhin sana nito sa Baseco Compound.


Agad na dumating ang mga kaanak ng biktima at ikinwento na galing sa Asuncion Market ang biktima para kumuha ng karne ng manok na dadalhin sana sa Baseco pero sa hindi inaasahang pangyayari ay nabundol ng kotse.

Inaalam na ng mga otorida kung mayroong CCTV camera sa lugar ng pinangyarihan ng disgrasya para malaman kung nahagip ng camera ang plaka ng kulay pulang kotse.

Facebook Comments