DEAD ON THE SPOT | Empleyado ng DENR, patay sa pananambang sa Antipolo City

Antipolo City – Dead on the spot ang isang empleyado ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) matapos tambangan ng riding in tandem sa Antipolo City.

Kinilala ang biktima na si Dominador Lucas, residente ng Barangay Dela Paz, Antipolo.

Alas 8:25 kaninang umaga, papasok na sana sa kanyang trabaho sa Taytay, Rizal ang biktima nang bigla siyang pagbabarilin ng hindi nakilalang mga gunman.


Agad namang tumakas ang mga suspek sakay ng getaway vehicle nilang motorsiklo.

Inaalam na ang motibo sa krimen at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Facebook Comments