Muntinlupa City – Dead on the spot ang isang inspektor ng Bureau of Correction (BuCor) nang tambangan ng hindi pa nakikilalang salarin sa New Bilibid Prison (NBP) reservation, Muntinlupa City.
Sakay ng motorsiklo si Inspector Rommel Reyes nang harangin at barilin ng nakamotorsiklo ring salarin.
Nabatid na nakasibilyan lamang si Reyes at may hinatid lamang sa lugar.
Ikinagulat naman ni Bureau of Corrections Director Ronald “Bato” Dela Rosa ang pamamaril, lalo at sa loob ng NBP reservation pa ito nangyari.
Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa nasabing pamamaril.
Facebook Comments