DEAD ON THE SPOT | Isang mamamahayag, patay sa pamamamril sa Panabo City, Davao del Norte

Davao del Norte – Dead on the spot ang isang miyembro ng mamamahayag matapos na pagbabarilin sa national highway sa harap ng isang bangko sa Barangay New Pandan, Panabo City.

Kinilala ang nasawi na si Dennis Wilfredo Denora,nagtatrabaho bilang journalist sa Trends and Time Newspaper at residente ng Barangay New Pandan, Panabo City, Davao del Norte.

Ayon kay Police Superintendent Milgrace Driz ang tagapagsalita ng PNP Region 11, nakasakay sa kanyang kotse si Denora at habang minamamaneho nang kanyang drayber na si Mayonito Revira ay biglang dumikit sa kanila ang lalaking sakay ng motorsiklo at pinagbabaril ang biktima, kung saan nakatakbo naman ang drayber nito.


Nagtamo ang biktima ng tama ng bala ng baril sa ulo na dahilan ng kanyang pagkamatay habang sugatan ang kanyang drayber na nagtamo ng tama ng bala ng baril sa kanyang kanang kamay na ngayon ginagamot sa Revira Medical Center, sa Panabo City.

Isa sa tinitingnan anggulo ngayon ng PNP ay may kinalaman sa trabaho ang pagpatay sa biktima.

Facebook Comments