DEAD ON THE SPOT | Isang sundalo, patay matapos barilin sa birthday party sa Abra

Abra – Patay ang isang miyembro ng 24th Infantry Battalion (IB) ng Philippine Army na nakabase sa Abra matapos itong barilin habang kumakanta sa gitna ng birthday party.

Nakilala ang nasawi na si Sgt. Antonio Albarez habang ang suspek ay kinilalang si Ivan Christopher Nadarisay.

Sa ulat, nag-request ng kanta ang birthday celebrant sa nasabing biktima at habang kumakanta ito ay biglang lumapit ang suspek sa likuran nito saka siya binaril sa ulo.


Dead on the spot ang sundalo habang sinubukan pa ng suspek na tumakas pero nakorner ito ng mga otoridad.

Facebook Comments