DEAD ON THE SPOT | Karnaper patay makaraang manlaban sa mga pulis sa Antipolo City

Antipolo City – Dead on the spot ang isa sa dalawang karnaper habang nakatakas ang kasama nito matapos na makipabarilan sa mga pulis sa Blue Mountain Avenue Barangay Sta. Cruz Antipolo City kaninang madaling araw.

Sinabi ni PNP Calabarzon Spokesperson Superintendent Chitadel Gaoiran alas-12:10 ng madaling araw kanina nang maganap ang palitan ng putok sa pagitan ng mga pulis at dalawang karnaper.

Naganap ang palitan ng putok matapos na humingi ng tulong ang biktima ng dalawang karnaper.


Kinilala ang biktima na si Renato Sablaya, 63-anyos.

Batay sa inisya na imbestigasyon ng PNP sakay nang kanyang motorsiko ang biktima pauwi na nang kanilang bahay nang biglang harangin ng dalawang suspek at pilit na kinuha ang kanyang motorsiklo at tumakas sa direksyon patungo sa Sumulong Highway.

Ngunit nakahingi agad nang saklolo ang biktima sa mga pulis kaya agad nagsagawa ng patrol operation ang mga pulis sa lugar.

Dito na naaresto ang dalawang suspek pero sa halip sumuko ay pinaputukan ang mga pulis.

Gumanti naman ng putok ang mga pulis dahilan ng pagkamatay ng isa sa suspek habang nakatakas ang isa pa.

Inaalam na ngayon ng pulisya ang pagkakakilanlan ng dalawang karnaper.

Facebook Comments