DEAD ON THE SPOT | Lalaki, patay matapos pagbabarilin sa loob ng taxi

Taguig City – Dead on the spot ang isang lalaki matapos pagbabarilin sa loob mismo ng sinasakyang taxi sa tapat ng DOST Compound, East Service Road, Upper Bicutan, Taguig City.

Sa ulat, isang lalaki nakasakay ng motorsiklo ang siyang bumaril sa hindi pa nakilalang biktima na nakasuot ng blue na t-shirt at maong na pantalon.

Sugatan din ang taxi driver na kaagad namang isinugod sa ospital.


Nabatid na mayroon pang dalawang sakay ang taxi na nasa back seat nang maganap ang pamamaril pero mabilis silang nakatakbo kaya at hindi na nadamay pa sa insidente.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Taguig PNP, ang nasawing pasahero ang tunay na target ng pamamaril dahil tanging ito lamang ang tinarget ng mga suspek.

Facebook Comments