Taguig City – Patay ang isang lalaking kalalaya lamang ng kulungan matapos pagbabarilin ng hindi pa kilalang salarin sa Barangay Ibayo Tipas, Taguig City.
Kinilala ang biktima na si Edwin Pintucan, isang tricycle driver na nagawa pang makatakbo pero bumulagta din dahil sa tama ng bala sa ulo at katawan.
Kwento ng mga testigo, isang lalaki na naka-bonnet ang nakita nilang sumalubong sa biktima at saka ito binaril ng apat na beses.
Hindi naman nila namukahan ang suspek na naglakad lamang papalayo matapos ang insidente.
Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis para malaman ang motibo sa krimen.
Facebook Comments