DEADLIEST DAY | Higit 20 patay, 100 sugatan sa panibagong airstrike sa Syria

Syria – Pumalo na sa 27 ang patay habang higit 60 ang sugatan matapos maglunsad ang Syrian government ng airstrikes sa tatlong bayan sa Eastern Ghouta na hawak ng mga rebelde.

Kabilang sa mga nasawi ay 12 bata.

Ito na ang ikatlong araw ng gulo sa silangang bahagi ng Syrian capital kung saan kabuhuang 80 tao ang napatay.


Itinuturing itong ‘deadliest day’ dahil sa patuloy na kaguluhan sa nasabing bansa.

Facebook Comments