DEADLINE | Aplikasyon sa CJ post, hanggang sa Biyernes na lang

Manila, Philippines – Hanggang Biyernes, Oktubre 26 na lamang aplikasyon para sa mga nais maging Chief Justice ng Korte Suprema

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevara na ex-officio Member ng Judicial and Bar Council, pawang mga taga loob ng hudikatura ang aplikante.

Kinabibilangan ito nina Associate Justices Antonio Carpio, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Estela Perlas Bernabe at Andres Reyes Junior ng Korte Suprema.


Nilinaw naman ni Guevarra na bukas naman ang nominasyon o aplikasyon sa chief justice post sa mga taga labas ng Supreme Court bastat tatalima sila mga nakasaad sa section 7 ng article 8 ng 1987 Constitution.

Nakasaad dito na ang sinumang maging miembro ng Korte Suprema ay dapat hindi bababa sa 45 taon ang edad, natural-born Filipino, at 15 taon o higit pang nanungkulan bilang hukom o ng pagpa-practice ng law.

Facebook Comments