DEADLINE | Gobyerno, may 2 buwang palugit para magsumite ng records ng mga namatay sa ilalim ng ‘war on drugs’

Manila, Philippines – Binigyan ng Korte Suprema ng dalawang buwan ang gobyerno na isumite sa kanila ang mga records ng libu-libong namatay sa ilalim ng war on drugs ng Duterte Administration.

Sa huling sesyon ng Kataas-Taasang Hukuman tungkol sa constitutionality ng Oplan Double Barrel ng Philippine National Police (PNP), lumabas na aabot sa apat na milyon ang adik sa Pilipinas.

3,806 dito ang namatay sa ilalim ng mga umano’y lehitimong police operations mula July 1, 2016 hanggang November 30, 2017.


Dahil dito, hinihingi ng Korte Suprema ang mga impormasyon sa mga naging drugs operation ng PNP, maging ang kaso ng death under investigation.

Samantala, sa interview ng RMN, sinabi ni Commission on Human Rights (CHR) Spokesman Atty. Jacqueline De Guia na hindi dapat gawing rason ang pagtaas ng mga adik sa bansa para ibalik sa PNP ang war on drugs operation.
Tiniyak ng CHR na patuloy ang kanilang mandato para i-monitor ang kampanya laban sa iligal na droga ng pamahalaan.

Facebook Comments