DEADLINE | Huling araw ng COC filing ngayon, ipinaalala

Manila, Philippines – Nagpaalala ang Commission on Election (Comelec) na hanggang alas-5 ngayong hapon na lang papayagan na makapaghain ng Certificate of Candidacy (COC) ang mga nais tumakbo sa 2019 midterm election.

Ayon kay Comelec Education and Information Department Director Frances Arabe, tanging ang mga kakandidato lang na nasa loob ng tanggapan at may hawak na numero ang papayagang maghain ng COC pagsapit ng alas-5 ng hapon.

Papayagan naman ng Comelec na makapaghain ng COC para sa mga kandidato ang kanilang authorize representative basta mayroon silang dalang mga kaukulang dokumento.


Facebook Comments