Manila, Philippines – Hanggang ngayong araw na lang tatanggap ang Judicial and Bar Council o JBC ng aplikasyon at nominasyon para sa susunod na Punong Mahistrado ng Korte Suprema.
Sa Agosto A-3 magpupulong ang JBC para pag-usapan ang kwalipikasyon ng mga nag-apply saka isasagawa ang public interview sa mga mapipiling nominado na papasok sa kanilang short list.
Sa ilalim ng rules ng JBC, may 90 araw ang Pangulo para pumili ng Punong Mahistrado mula sa short list.
Kasabay nito, tiniyak ng JBC na hindi na nila isasalang kahit sa interview ang sinumang aplikante o nominadong kulang ang mga dokumentong isusumite.
Facebook Comments