DEADLINE | LTO, nagbigay ng two-week deadlines para magparehistro ang mga kolorum na sasakyan sa Boracay

Aklan – Nagbigay ng dalawang linggong deadline ang Land Transportation Office (LTO) para iparehistro ang mga kolorum na sasakyan sa isla ng Boracay.

Ayon kay LTO Western Visayas Director Roland Ramos, target ng ahensya na alisin ang lahat ng kolorum sa isla.

Aniya, nasa 4,000 ang bilang ng mga sasakyan sa Boracay pero 1,200 lang sa mga ito ang kanilang target na itira.


Maliban rito, sabi ni Ramos, aalisin na rin ang mga sasakyang gumagamit ng diesel at gasoline at papalitan ng mga electric trike at jeep sa Setyembre.

Habang ipagbabawal na rin aniya sa Boracay ang mga truck.

Facebook Comments