Deadline ng 60-day road-clearing operations sa buong bansa, itinakda na ng DILG sa September 29

Itinakda na ng Department of the Interior and Local Government sa September 29 ang deadline ng 60-day road-clearing operations sa buong bansa.

Sa press conference sa DILG headquarters, sinabi ni Interior Secretary Eduardo Año na 43.3 percent na ng mga LGU sa buong bansa ang compliant na sa direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nangunguna ang NCR sa mga LGU sa buong bansa na nakatugon sa paglilinis ng mga sagabal sa kalsada.


Lima sa mga lungsod sa NCR ang 100 percent nang compliant kabilang dito ang Marikina, Pasay, Navotas, Malabon, Valenzuela, Pateros at San Juan.

Ang Quezon City naman ang nangungulelat dahil sa mga pasaway na vendors na bumabalik at nagtatayo muli ng kanilang stalls.

Ani Año, bibigyan muna ng show cause order ang mga LGUs na hindi makakatugon bago sila patawan ng parusa.

Tiniyak ni Año na paparusahan din nila ang mga LGUs na magsisinungaling sa kanilang report sa accomplishment sa road-clearing operations.

Facebook Comments