Pinalawig pa ng Small Business Corporation (SB Corp.) ang deadline ng aplikasyon para sa loan o pagpapautang sa mga maliliit na negosyo sa bansa.
Ito ay para makapagbigay ang mga kumpanya ng 13th month pay sa kanilang mga mangagagawa ngayong holiday season.
Ayon kay SB Corp. Spokesperson Robert Bastillo, imbes na kahapon na ikalawang deadline sa paghahain ng aplikasyon, nagpasya ang ahensiya na palawigin pa ito hanggang December 21.
Ito ay para matugunan ang pagdami ng mga humahabol sa paghahain ng loan.
Sa ngayon, sinisikap na ng ahensiya na maibigay ang pautang sa loob ng limang araw
Nasa 15,000 na negosyo ang sakop ng programa na may budget na kalahating bilyong piso.
Ang mga interesadong negosyo ay pwedeng maglog-in sa website ng SB Corp.
Hanggang P480,000 ang maaaring utangin para sa maximum na 40 emloyees na bibigyan ng 13th month pay.