DEADLINE NG BUSINESS AT TRICYCLE PERMIT RENEWAL SA MAPANDAN, ITINAKDA SA ENERO 20

Hanggang January 20 na lamang ang pagbabayad ng permit renewal para sa mga negosyo at pumapasadang tricycle, ayon sa abiso ng pamahalaang lokal ng Mapandan.

Patuloy ang isinasagawang renewal sa bayan para sa mga negosyante at tricycle operators sa Treasury Office mula alas otso ng umaga hanggang alas singko ng hapon, Lunes hanggang Biyernes.

Kalakip ng legal at walang gusto na operasyon ng kabuhayan ang pagtalima sa renewal ng permit kaya hinihikayat ang lahat ng may-ari ng negosyo at mga operator ng traysikel na mag-renew sa lalong madaling panahon upang maiwasan ang kaukulang multa at abala.

Dagdag pa rito, nagiging bahagi ng pondo para sa mga nakaambang proyekto sa iba’t-ibang sektor ang revenue na nakokolekta mula sa renewal ng permits, kaya mas nagiging maunlad ang isang lugar.

Facebook Comments