Deadline ng liquidation at encoded list ng SAP beneficiaries, ngayong araw na lang ayon sa DILG

Ngayong araw na ang deadline para sa pagsusumite ng liquidation at encoded list ng mga benepisyaryo para sa ikalawang bugso ng Social Amelioration Program (SAP).

Base sa direktiba ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año, mapapasimulan lamang ang second tranche ng SAP sa sandaling maisumite na ang liquidation report at ng encoded list ng beneficiaries sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Noong May 26, 472 Local Government Units (LGUs) lamang sa 1,634 sa buong bansa ang nakapagsumite ng liquidation report sa DSWD.


Ang mga LGU ay inatasan din na ibalik sa DSWD ang mga isinauling SAP fund ng mga benepisyaryo na tulong mula sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps), COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP) ng Department of Labor and Employment (DOLE), at Small Business Wage Subsidy (SBWS) ng Social Security System (SSS).

Dapat ay may kaakibat itong official receipt na nagpapatunay ng refund o isinauli ang ayuda.

Umaasa ang DILG chief na magiging mabilis na ang pamimigay ng ikalawang tranche ng SAP.

Facebook Comments