Deadline ng mandatory SIM registration, hindi na palalawigin pa ng DICT

Walang balak ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na palawigin muli ang deadline ng mandatory SIM Registration.

Ayon kay DICT Secretary Ivan John Uy, sapat na ang ibinigay nilang palugit habang naabot na rin naman ang target na bilang ng mga SIM card na kailangang mairehistro.

Mahigit 104 million users na ang nakapagparehistro ng SIM mula sa 168 million total subscribers.


Sa Martes, July 25 ang huling araw ng pagpaparehistro ng SIM cards.

Awtomatikong made-deactivate ang mga unregistered sim pagsapit ng July 26.

Ibig sabihin, hindi na sila makakapag-send o makatatanggap ng mga text, at tawag, hindi na makagagamit ng mobile data at mawawalan na sila ng access sa mga e-wallet.

Pero ayon sa DICT, may limang araw pa ang mga user o mula July 26 hanggang 30, para i-reactivate ang kanilang mga sim bago permanenteng ma-deactivate sa July 31.

Facebook Comments