Muling ipinaalala ng Real Property Tax Section (RPTS) na hanggang Disyembre 31, 2025 na lamang maaaring makuha ang 20% discount sa pagbabayad ng real property tax para sa lupain, bahay, at gusali.
Pagpasok ng Enero 1 hanggang Marso 31, 2026, magiging 10% na lang ang diskwento.
Pinaalalahanan din na papatawan ng 6% penalty fee ang hindi makapagbabayad sa takdang oras, at madaragdagan pa ng 2% kada buwan kapag patuloy na hindi nababayaran ang buwis.
Hinihikayat ang taxpayers na samantalahin ang diskwento upang maayos na ma-settle ang kanilang obligasyon, lalo’t ang nakokolektang buwis ay nagiging pondo para sa mga proyekto at serbisyo ng pamahalaan.
Facebook Comments









