Deadline ng pagbabayad ng SSS contribution, pinalawig pa hanggang June 30

Pinalawig pa ng Social Security System (SSS) ang deadline ng pagbabayad ng kontribusyon hanggang sa June 30, 2020.

Kabilang dito ang lahat ng regular na empleyado para sa buwan ng Pebrero, Marso at Abril, maging ang mga household employers, self-employed, voluntary at mga may-asawang hindi na nagtatrabaho.

Layon nito na matulungan ang mga Pilipinong hindi pa nakakapagbayad ng kontribusyon simula nitong kalagitnaan ng Marso dahil sa ipinatupad na community quarantine dahil sa COVID-19.


Facebook Comments