Inilipat ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang deadline sa paghahain at pagbayad sa income tax returns (ITR) hanggang April 18.
Paliwanag ng BIR, papatak kasi ng Good Friday ang naunang deadline April 15 kung saan ay isa itong national holiday at nasa kasagsagan ng Semana Santa.
Dagdag pa nito, pinayagan din ang pagbayad ng ITR noong March 26 at sa darating na April 2 dahil ang dalawang Sabado na pinakamalapit sa bagong deadline na April 9 (Araw ng Kagitingan) at April 16 (Black Saturday) ay public holidays din.
Pinalawig din ng hanggang 5pm ang cut-off sa pagtanggap sa tax payment sa mga bangko mula sa orihinal na 3 pm simula April 1.
Kaugnay nito, pinaalalahan ni BIR commissioner Caesar Dulay ang mga authorized agent-banks sa kanilang mga responsibilidad tulad ng:
– tanggapin ang lahat ng nais magbayad ng kanilang tax
– pagtanggap ng income tax returns
– pagselyo ng ‘received’ sa mga nakadikit na financial statement sa ilang pahina ng itr
– siguruhing machine-validated ang ilang mahahalagang bahagi ng itr at malinaw ang lahat ng kopya nito