Pinalawig pa ng Commission on Elections (Comelec) hanggang September 30 ang deadline ng paglilipat ng overseas voter registration records.
Ayon kay Comelec Director Bea Wee-Lozada, kasabay ito ng pag-apruba ng House Committee on Suffrage and Electoral Reforms sa dalawang resolusyong nagpapalawig sa deadline ng voter’s registration hanggang October 31, 2021
Kasama sa matutulungan nito ay ang mga indibidwal na mayroong existing biometric data na nais mag-apply bilang overseas voters sa pamamagitan ng email
Para naman sa mga deactivated voters, sinabi ni Comelec Commissioner Rowena Guanzon na maaari na silang mag-activate ng record online.
Epektibo ito sa National Capital Region (NCR) simula September 6 sa pamamagitan ng website na; redo_ncr@comelec.gov.ph