Deadline ng SIM card registration, pinalawig na

Inihayag ng Department of Justice (DOJ) na pinalawig pa ng pamahalanan ang isinasagawang SIM card registration.

Ayon kay DOJ Sec. Jesus Crispin Remulla, magkakaroon ng 90-day extension para sa SIM card Registration na magtatapos sana bukas, April 26, 2023.

Ang nasabing pahayag ng kalihim ay matapos ang naging pulong sa MalacaƱang na dinaluhan nito ngayong umaga.


Matatandaan na lumalabas sa datos ng Department of Information and Communications Technology, nasa 82,845,397 o 49.31 percent mula sa 168 million subscribers ang nakapagparehsitro na sa buong bansa.

Ngayong araw din ay inaasahan na makikipag-ugnayan si DICT Secretary Ivan John sa telecommunication officials para pag-usapan ang extension ng sim card registration.

Facebook Comments