Deadline ng tax payment sa Taguig, pinalawig

Aprubado ng Taguig City Government ang pagpalawig ng deadline para sa pagbayad ng tax sa Lungsod, ito ay bunsod sa paglala ng kaso ng Coronavirus Diseases 2019 o COVID-19 sa bansa.

Batay sa Executive Order (EO) No. 4 na nilagdaan ni Taguig Mayor Lino Cayetano, May 20, 2020 na ang deadline ng mga bayarin sa Tax tulad ng real property taxes na may deadline noong March 31, local business taxes at amusement taxes na deadline naman ngayong April 20.

Nakapaloob din sa nasabing EO ang pagpalawig ng deadline sa mga upa, charges, at iba pang financial obligations para sa nasabing Lokal na Pamahalaan.


Tiniyak din sa EO na hindi mag papataw ng penalties, surcharges, at interests sa mga taxes at iba pang bayarin na hindi nabayaran habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine.

Ayon sa Alkade na sa panahon ngayon ay mas mahalaga sa kanya ang kalusugan, seguridad, at kaligtasan ng mga taga Taguig laban sa nakamamatay na virus.

 

Facebook Comments