Deadline ni Defense Secretary Lorenzana sa AFP para ma-neutralize ang Maute Terror Group, hindi kayang abutin ng militar

Marawi City, Philippines – Hindi na kakayanin pa ng Armed Forces of the Philippines na maabot ang deadline na ibinigay ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na tapusin ngayong ngayong araw ang pag-neutralize sa Mauter Terror Group sa Marawi City.

Ayon kay AFP spokesperson Brig. Gen. Restituto Padilla, ang mga deadlines ay nakadepende sa nangyayari sa ground.

Paliwanag ni Padilla, nahihirapan ang mga tropa na pasukin Ang mga kinaroroonan ng kalaban dahil pangunahin nilang iniintindi ang kaligtasan ng mga sibilyan na posibleng madamay pa sa bakbakan.


Ang presensya aniya ng mga naipit na sibilyan sa mga lugar na pinagkukubkuban ng Maute terrorists ang dahilan kung bakit medyo mabagal ang progresso ng mga clearing operations.

Matatandang nang nakalipas na linggo, binigyang ni Defense Secretary Lorenzana ang AFP ng isang linggo hanggang ngayong araw na ito para tapusin ang clearing operations sa Marawi City.
DZXL558

Facebook Comments