DEADLINE | Pagsasaayos sa mga nawasak ng bagyong Vinta, tatapusin sa loob ng 2 linggo

Manila, Philippines – Tiniyak ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang mabilis na pagsasaayos ng mga nasirang imprastraktura na iniwan ng bagyong Vinta.

Ayon kay DPWH Secretary Mark Villar – maari nang madaanan sa Enero ang mga kalsada at tulay na sinira ng bagyo.

Kabilang aniya rito ang Dalama, Daligdigan at Pinuyak Bridge.


Magiging 24/7 ang konstruksyon para makamit ang deadline na itinakda ng Pangulo.

Facebook Comments